Rehiyon 10 - Hilagang Mindanao
Ang Hilagang Mindanao , Region 10 ng Pilipinas, ay binubuo ng limang (5) lalawigan. Kabilang dito ang: Bukidnon Camiguin Misamis Occidental Misamis Oriental Lanao del Norte Maraming magagandang tanawin na makikita dito. Isa na dito ang Mount Kitanglad Mountain Range na makikita sa lalawigan ng Bukidnon. Ang Maria Cristina Falls naman at nasa Lanao Del Norte. Maraming dayuhan na rin ang namangha sa White island ng Camiguin. Isa sa pinakamaunlad na siyudad sa Mindanao ay makikita sa Region 10. Ito ay ang Cagayan de Oro na kapital ng Misamis Oriental. Tunay na kahanga-hanga ang kagandahan ng Pilipinas! Pinagmamalaki kong Pilipino ako!